Maglalaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pondo sa Local Government Units (LGUs) para sa mga naapektuhan ng Habagat at Bagyong Fabian.
Sa inilabas na ulat ng DSWD Disaster Response Management Bureau nasa 849.5-M standby funds ang DSWD Central Office at mga field office nito.
Bukod dito, hinanda na rin ng DSWD ang mga ipamamahaging relief goods at iba pang non-food items.
Namahagi na rin ng tulong ang ilang LGUs sa mga apektadong pamilya sa Orion at Samal, Bataan; Castillejos, San Antonio, at Santa Cruz, Zambales; Batangas City, Batangas; Santa Cruz, Occidental Mindoro; La Trinidad, Benguet; at sa Balbalan, Kalinga.
Samantala, sa huling tala ng DSWD, mahigit 4,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 19,000 na indibidwal ang nasa 126 evacuation centers sa Region 3 Mimaropa, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).