Muling siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na pagtulong sa mga apektado ng mas pinahigpit na quarantine measures sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.
Ayon sa DSWD, hindi sila tumitigil sa pamamahagi ng family food packs sa local government units sa ilalim ng alert level 3 sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Tiniyak din ng ahensya sa mga apektadong residente na sapat ang budget para sa pandemic response operations.
Mayroon ding naka-antabay na 102 million pesos na pondo sa central at field offices at 37.8 million pesos na quick response fund bukod pa sa 299,000 family food packs na nakalaan para sa distribusyon sa apektadong populasyon.