Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na kanilang tutulungan ang mga mag-aaral na hindi na-accomodate at walang kakayahan na makapag-register online sa Educational Assistance Program ng ahensya.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD sec. Erwin Tulfo na makikipagtulungan sila sa mga lokal na pamahalaan at mga mambabatas para sa maayos na distribusyon.
Una nang sinabi ng DSWD na wala nang extension ang pamamahagi ng educational aid na nakatakdang magtapos sa Setyembre 24.
Nabatid na umabot na sa mahigit 935 milyong halaga ng educational assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mahigit 370,000 student beneficiaries.
After September 24 yung last saturday po natin sa online ay ibababa po natin ‘yan per district sa tulong po ng ating mga mambabatas, sa mga distrito ibababa po natin ‘yan, so inaayos lamang ho natin at ko-coordinate po kami sa mga Law makers natin kasi sila ho identified nila yung mga constituents po nila yung mga mahihirap. —- Tinig ni DSWD sec. Erwin Tulfo sa panayam ng DWIZ.