Malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga evacuees sa iba’t ibang mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman, nasa 17,000 pamilya na lamang ang nanunuluyan sa may 288 na evacuation areas sa bansa.
“Dahil ang karamihan naman po ay pag humupa yung baha at huminto na ang hangin ay gusto na nilang umuwi sa kanilang kabahayan.” Ani Soliman.
Samantala, nakahanda nang mamigay ang DSWD at DPWH ang mga yero, pako at iba pang construction material bilang ayuda sa mga biktimang nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.
“223,468 ang nasirang bahay, 80,541 ang totally damaged and 142,927 ang partially damaged, pinakamalaki pong nasiraan ay northern Samar–117,740 at kasunod po ang Oriental Mindoro and then Sorsogon.” Pahayag ni Soliman.
By Rianne Briones