Magsisimula na ngayong Disyembre ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P5.2-B cash aid.
Ayon kay Edu Punay, Undersecretary ng DSWD, para ito sa ikatlong tranche ng pamamahagi sa mga benepisyaryo sa ilalim ng programang targeted cash transfer (TCT).
Noong Martes, unang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM), na nakapaglabas na sila ng P5.2-B para masakop ang isang buwang kinakailangan sa TCT program ng DSWD.
Sa nasabing pondo, kabuuang 12.4 na milyong benepisyaryo ng TCT ang makatatanggap ng 500 pesos kada buwan, sa loob ng anim na buwan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga itinuturing na poorest of the poor kabilang ang social pensioners na indigent senior citizens.