Aarangkada na ngayong araw ang pagbibigay ng cash assistance para sa mga taong nasiraan ng kabahayan dahil sa Bagyong Paeng.
Ito ay ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, magmumula ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensya.
Habang ani Tulfo ang mga slightly damaged naman ay posibleng mabigyan ng pampaayos bukas o sa susunod na araw.
Sinabi pa nito na target nilang unahin ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga indibidwal na hindi pa kumakain.
Samantala, tinatayang nasa mahigit 700 na kabahayan ang napinsala ng severe tropical storm Paeng.