Nasa 60,900 food packs ang nakatakdang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng pagbaha sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ng DSWD na handa sila rumesponde sa mga pangangailangan ng mga biktima ng pagbaha kahit pa umano sa monetary means o food packs.
Mayroon umanong P56-M ang DSWD para sa Quick Response Funds nito at isa pang P75-M para sa field offices nito.
Batay sa datos ng ahensya, tinatayang nasa 15,400 pamilya sa 68 barangay na nasa Eastern Coast ng bansa na apektado ng mga pag-ulan dulot ng shear line.
Habang libo-libong pamilya sa nasabing rehiyon ang napilitang lumikas ngayong Kapaskuhan dulot ng matinding pag-ulan sa lugar.