Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na mayroon silang sapat na pondo upang matulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Karding.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD secretary Erwin Tulfo na kanilang tututukan ang mga lugar na pinadapa ng bagyo partikular ang Central Luzon.
Inuna na aniya nilang bisitahin ang lalawigan ng Quezon, gayundin ang Aurora na unang tinamaan ng bagyo.
Sinabi pa ni Tulfo na namahagi na rin sila ng tig-5,000 pesos na cash assistance para sa pagsasaayos ng mga nasirang bahay ng mga residente.
Ngayong araw and the rest of the week ay ang focus po natin o concentration natin dyan kung sa Central Luzon tulad sa Nueva Ecija. Mayroon pa naman tayo at sapat na pondo para pantulong sa mga kababayan natin ganun din po sa mga pagkain…ready po ang DSWD…meron din po kaming naka-standby na quick reaction fund…as a matter of fact meron pa po kaming over 1 bilyon na pondo para pantulong sa mga kababayan natin na naapektuhan ng bagyong Karding.
Tinig ni DSWD secretary Erwin Tulfo sa panayam ng DWIZ.