Pinaalalahanan muli ng Department of Social Welfare and Development ang publiko kaugnay sa mga kumakalat na fake news kaugnay sa AKAP cash assistance.
Ito’y matapos may kumalat na text message na nagsasabing makakatanggap ng tatlong libong pisong cash assistance mula sa ayuda para sa kapos ang kita program kapalit ng pagbibigay ng mobile number.
Binigyan-diin ng DSWD, walang katotohanan ang nasabing text message dahil anila ang akap ay isang programa na nakalaan lamang para sa mga indibidwal na kabilang sa low-income category tulad ng mga manggagawa o empleyado na minimum wage earners.
Paliwanag pa ng departamento, hindi basta-bastang nagbibigay ng outright cash, dahil ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa ay dumadaan sa pagsusuri at rekomendasyon ng dswd social worker. – Sa panulat ni Kat Gonzales