Nagpadala na ng tulong ang DSWD o Department of Social Welfare and Development sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay DSWD Dir. Irene Dumlao, nasa 200 family tents ang ipinadala na sa Batangas Sports Complex.
Nagpadala rin ng 500 modular tents sa warehouse ng DSWD Field Office – CALABARZON sa Cavite na ihahatid sa mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng dagdag na tutulugan ng mga inilakas na residente.
Sinabi ni Dumlao na nagpadala na rin ng family food packs bilang pandagdag sa ipapamahagi ng LGU sa kanilang mga apektadong residente.
Maliban dito, mayroon ding technical assistance na ibinibigay ang DSWD sa mga LGU upang matiyak na maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng kalamidad.
Kaugnay nito, tiniyak ni Dumlao na pa-unang tulong pa lamang ang kanilang mga ipinadala sa mga lokal na pamahalaan at makakaasang nakahanda sila para sa karagdagan pang tulong na kinakailangan ng mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.