Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko kaugnay sa mga nanlilimos sa lansangan na mga bata at katutubo.
Ayon DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista, mas mabuti kung huwag bigyan ng limos ang mga ito.
Sa halip aniya ay i-report sa kanilang tanggapan kung saan naglalagi ang mga ito.
Ito aniya ay upang mapigilan ang kanilang ginagawa at ma-rescue lalo na ang mga batang pakalat-kalat sa lansangan at mabigyan ng kaukulang tulong.