Halos 900 Milyong Piso ang inilaang pondo ng DSWD bilang ayuda sa mga naapektuhan ng bagyong Maring.
Ayon sa DSWD 72 Million Pesos ay ginamit para sa 200,000 family food packs na handa nang ipamigay sa mga biktima ng bagyo.
200 Million Pesos naman ang food at non food items na inihanda ng DSWD habang papalo naman sa 555 Million Pesos ang quick response fund na inilaan ng ahensya.
Samantala naglaan naman ang Department of Health ng 57 Million Pesos na halaga ng mga kagamitan para pa rin sa mga apektado ng bagyo.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE