Naglaan ng 1.1 bilyong pisong pondo ang department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang disaster response at pamamahagi ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Karding.
Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, kasalukuyan silang nagsasagawa ng relief efforts sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).
Tinatayang nasa 224,000 food packs ang inihanda ng DSWD para sa 194 evacuations centers na pansamantalang tinitirahan ng 9 thousand indibidwal.
Samantala, tiwala naman si Lopez na sapat ang nabanggit na pondo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.