Aabot sa P287.95 million pesos ang halaga ng pondong inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa livelihood grants at modified shelter assistance ng mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.
Ayon kay DSWD Under Secretary for Inclusive and Sustainable Peace Alan Tanjusay, ang naturang programa ay isa lamang sa mga pangako ng kanilang ahensya sa pagtupad ng “no one is left behind” o walang maiiwanan sa pamumuno ng administrasyong Marcos.
Bukod pa dito, inilaan din ang naturang pondo para sa cash-for-work programs para rin sa mga dating kasapi ng New People Army (NPA), at mga decommissioned combatant na mga muslim rebel.
Layunin ng inilaan na pondo na makapagtayo ng 150 shelters sa mga barangay sa labing tatlong rehiyon partikular na sa Zamboanga Peninsula.