Naglalatag na ng programa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagsagip ng mga batang-lansangan at katutubong pakalat-kalat sa kalsada.
Binanggit ito ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa pagdinig ng senado sa panukalang P 194.6-B na budget ng DSWD, kung saan sinabi nitong maraming miyembro ng katutubo ang nagtutungo sa Metro Manila ngayong pasko.
Ayon kay Tulfo, mayroon na silang isinasapinal na programa na maaaring ipatupad sa mga susunod na linggo.
Kabilang dito ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga badjao, para hindi na nila kailangang magtungo sa metro manila ngayong holiday season.
Inuumpisahan na rin ng DSWD na iparehistro nang maayos ang mga katutubo sa mga lokal na pamahalaan, upang mabigyan ang mga ito ng tamang benepisyo.