Nagpaabot ng tulong sa mga lugar na apektado ng Bagyong Henry at nagdaang Bagyong Gardo ang Department Of Social Welfare And Development (DSWD) Region 3.
Ito ay bilang pagpapakita na handa ang ahensya sa anumang kalamidad na tatama sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Una nang nagpadala ng tulong ang DSWD ng mahigit P300,000 ng halaga ng ayuda sa Licab at Aliga, Nueva Ecija maging sa Subic, Zambales na kinabibilangan ng mga food packs, sleeping kits at family kits.