Muling pinaalalahanan ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) ang publiko na huwag magbigay ng limos.
Ayon sa kagawaran, ipinagbabawal ang pamamalimos ng indibidwal o grupo sa lansangan na nakapaloob sa presidential decree no 1563 o ang anti-mendicancy law.
Dagdag pa nito, mayroong mga nakalaang programa ang kagawaran na pantulong sa mga nangangailangan katulad ng mga medical missions, gift giving at feeding sessions.
Magugunita na tuwing nalalapit ang kapaskuhan ay dumarami ang mga kabataan at katutubo na namamalimos sa mga lansangan sa Metro Manila.