Nagbabala ang DSWD sa publiko na huwag agad maniwala sa mga naglipanang fake post sa social media.
Ayon sa DSWD, isang facebook page na pinangalanang “DSWD registration” ang nagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa pagkakaloob ng ayuda.
Giit ng DSWD, hindi totoo na makakakuha ng 10,000 financial assistance ang sinomang magre-register sa link na mula sa nagpapanggap na fb page.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng DSWD ang publiko na ang ‘DSWDserves’ lang ang official facebook page ng ahensiya. —sa panulat ni Joana Luna