Aabot sa P4-M halaga ng mga ayuda ang ipinalada ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan ng Cagayan at Quirino.
Kabilang sa mga binigyan ng ayuda ng DSWD ang mga residente ng Sta. Teresita, Solana, Sta. Praxedes at Tuguegarao City na apektado ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Ulysses sa Cagayan.
Nakatanggap din ng tulong ang mga taga – Aglipay, Cabarronguis, Diffun, Nagtipunan, Saguday at Madela sa lalawiagan naman ng Quirino.
Maliban dito, nagpadala rin ang national resource operations center ng DSWD ng nasa 10,000 karagdagang food packs, 2,000 hygiene kits at 2,000 sleeping kits.