Tinatayang aabot sa Dalawang libong pamilya na ang natulungan ng DSWD o Department of Social Welfare and Development sa lalawigan ng Batangas.
Ito’y makaraang tamaan ng sunud-sunod na lindol ang lalawigan nitong nakalipas na linggo kung saan, aabot sa Sampung libong indibiduwal ang apektado.
Samantala, nagpadala rin ng karagdagang tulong ang DSWD National Resource Operation Office sa mga apektado ng lindol tulad ng bolt and knots at high energy biscuits sa mga nagsilikas na pamilya.
Namahagi na rin ng Limandaang family food packs ang field office ng DSWD sa Region 4-A sa bayan ng Tingloy, mahigit isanlibo sa bayan ng Mabini habang halos tatlongdaan naman sa Batangas City.
By: Jaymark Dagala