Nagsagawa ng meeting ang mga tauhan at opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mas pinaigting na pagbabantay sa posibleng epekto ng Bagyong Florita sa Northern at Central Luzon.
Pinangunahan ni DSWD secretary Erwin Tulfo ang pagpupulong na dinaluhan ng mga Regional Directors ng Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Layunin ng ahensya na masigurong handa ang kanilang field offices sa pagtugon sa mga maaapektuhan ng Bagyong Florita.
Ayon kay Tulfo, mahigpit nilang mino-monitor ang Abra at Mountain Province na una nang nagpatupad ng Preemptive Evacuation dahil sa posibleng paglambot ng lupa sa mga lugar na niyanig ng Magnitude 7 na lindol.
Samantala, naka-standby narin ang mga tauhan ng ahensya na handang mamahagi ng relief goods at iba pang tulong sa mga Local Government Units (LGUs).
Sa ngayon, nakahanda na ang nasa kabuuang 22, 982 family food packs at 5, 610 non-food items para sa distribusyon sa mga residenteng maaapektuhan ng kalamidad.