Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development ang simultaneous payout sa iba’t ibang munisipalidad ng Region 11 para sa mga benepisyaryo ng BUHAYnihan: Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan Cash-for-Work for Persons with Disabilities.
Pinangunahan ng DSWD Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang pamamahagi sa mga benepisyaryo sa siyam na munisipalidad ng probinsya.
Layon ng programa ang makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga PWD’s sa pamamagitan ng community service at mabigyan sila ng pagkakataon at oportunidad na makibahagi sa komunidad. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon