Nasa 90% na ng P100-milyong pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government units (LGU).
Ayon kay Inter-Agency Task Force spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hawak na ng mahigit sa 1,600 LGUs ang pondo na ipapamahagi nila sa kanilang constituents.
Upang mapabilis rin ang distribusyon sa mga mamamayan ay tinanggal na ng DSWD ang requirement na dapat muna nilang i-validate ang listahan ng mga beneficiaries.