Sapat ang suplay ng relief goods para sa mga posibleng masalanta ng bagyong Tisoy sa Bicol Region.
Ito ang tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasabay ng isinasagawang paghahanda sa papalapit na bagyong Tisoy.
Ayon sa DSWD, naglaan na sila ng aabot sa P3-milyong standby funds para sa ilang lugar sa Bicol.
Nakahanda na rin anila ang mahigit labing 8,000 family food packs na ipamamahagi sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.
Sinabi ng DSWD, nakaimbak ang mga nabanggit na food packs at iba pang non food items sa kanilang mga warehouse sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes.