Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD kaugnay sa posibleng epekto ng bagyong Urduja.
Ayon sa DSWD Region 5, nasa mahigit 5,000 food packs ang naka-standby sa warehouse ng ahensya habang nasa mahigit 17,000 naman ang naka-preposisyon nang relief goods maliban pa sa 8.6 na milyong pisong standby funds.
Una rito, naka-red alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa bagyong Urduja.
Nangangahulugan itong 24 oras na nakabantay ang buong pwersa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.
—-