Umabot na sa kabuuang P 29.6 M na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga biktima ng bagyong Karding.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Rommel Lopez na karamihan sa mga naapektuhan ng bagyo ay mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, at Cordillera.
Nahirapan aniya ang mga dswd personnel na maabot ang Polillo Island at General Nakar sa Quezon ngunit nagawan naman aniya ito ng paraan.
Sinabi pa ni Lopez na nakikipagtulungan na ang kanilang ahensya sa iba pang government agencies gaya ng armed forces of the philippines upang makapaghatid ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Karding.