Nakapagpamahagi na ng mahigit P300-M educational assistance, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na mag-aaral sa bansa.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, P168 million na educational assistance ang kanilang nailabas hanggang kaninang alas-otso ng umaga na nakapagserbisyo sa 66K hanggang 68K mag-aaral.
Kung idadagdag ang bilang na ito sa naipamahaging halaga noong nakaraang sabado, mahigit 300 milyong piso na ang naipaabot na tulong ng DSWD.
Mahigit 400K mag-aaral sa bansa ang target bigyan ng DSWD ng educational assistance, na magtatagal hanggang September 24 sa DSWD central, regional, provincial, at iba pang local offices.