Umabot sa mahigit 300 kaso ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula 2019 hanggang 2021.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, naitala ang 138 kaso ng nasabing krimen sa mga babae at lalaki noong 2019, mahigit 129 naman ang naiulat noong 2020 habang 64 ang naitala mula Enero hanggang Setyembre ngayon taon.
Aniya, dumami umano ang kaso dahil nakatuon ang mga bata sa gadgets ngayong pandemya.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa DICT at NTC upang mapatigil ang nasabing aktibidad. —sa panulat ni Airiam Sancho