Mahigit P6-milyong ayuda na ang naibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Bagyong Rolly sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Sa report nito sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, sinabi ng DSWD na ang kabuuang assistance ay nagmula hindi lamang sa kanila kundi maging sa local government units at non-government organizations.
Ayon pa sa DSWD, nasa 160,000 pamilya o mahigit 600,000 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Rolly mula sa mahigit 2,000 barangay.
Halos 71,000 pamilya o 270,000 katao ang nananatili sa evacuation centers.
Sakop ng mga nabigyan ng ayuda ang mga apektadong lugar sa Bicol Region, CALABARZON, National Capital Region (NCR), MIMAROPA, Cagayan, Central Luzon, Eastern Visayas at Cordillera Administrative Region.