Umabot na sa mahigit P2-M halaga ng tulong ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Karding.
Sa nabanggit na bilang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) assisant secretary Romel Lopez na P1.7 million dito ay mula mismo sa kagarawan, habang galing naman sa mga lokal na pamahalaan at iba pa ang P876-K
Ayon pa kay Lopez, may nakalaan silang P1.1 billion na pondo para sa disaster response at assistance sa mga biktima ng nasabing bagyo.
Aniya, kasalukuyang nakatuon ang relief at assistance effort ng DSWD sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan nasa 249k family food packs ang naipamahagi sa mga nasabing lugar.
Dagdag pa ni Lopez, nasa P5-K hanggang P10-K cash assistance naman ang ibinibigay ng kagawaran sa mga nasiraan ng bahay dahil sa lakas ng bagyo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.