Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P935-M educational assistance sa mga mag-aaral.
Ayon kay DSWD undersecretary Jerico Javier, nasa P261,208,000 ang na-distribute kahapon kaya umabot na sa kabuuang P935,971,800 ang kabuuang halaga ng cash aid na ibinigay sa 372,298 na benepisyaryo as of September 11.
Sinabi naman ni Javier na wala silang naitalang problema sa naganap na distribusyon ng educational aid kahapon.