Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P100-M educational cash aid sa ikatlong Sabadong distribusyon nito kahapon.
Ayon sa DSWD, nabigyan ng tulong ang mahigit 42K benepisyaryo sa bansa.
Suspendido naman kahapon ang pamamahagi ng educational cash aid sa Batanes, Ilocos Sur at Tanay, Rizal dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga LGUs sa CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas, upang mahanap ang mga mahihirap na estudyanteng mabibigyan ng ayuda.
Hanggang September 24 magtatagal ang pamamahagi ng educational cash aid.