Umabot na sa P 22.7- M halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government units (LGUs) na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Sa huling datos ng DSWD, umabot na sa 2.7 – M tulong pinansiyal ang kanilang naipamahagi sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) program.
Umabot naman sa 475 pamilya sa Aurora Province at 69 kabahayan sa Quezon Province na nasira dahil sa bagyo ang naabutan ng P 5,000 tulong ng DSWD.
Samantala, umabot na rin sa P 103.01 – M halaga ng quick response fund ang inihanda ng DSWD sa kanilang central office habang P43.08 – M sa kanilang field office sa Region 1, 2, 3, 4a, 4b, 5, NCR at Cordillera Administrative Region (CAR)