Nakikipag-ugnayan na ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa disaster response ng pamahalaan.
Kasunod ito ng direktiba ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na bumuo ng disaster response operations at preparatory activities ngayong panahon ng tag-ulan.
Layunin ng ahensya na mapaghandaan ang pagbibigay ng tulong partikular na ang food at non-food items sa mga local government unit, na itinuturing na first responders tuwing may kalamidad.
Sa kabila nito, nagpaalala sa publiko ang DSWD, na manatiling alerto at maging handa sa epekto ng mga pag-ulan ngayong ipinagdiriwang din ang national disaster resilience month.