Namahagi ng emergency cash assistance ang DSWD o Department of Social Welfare Development sa may limandaang (500) pamilyang inilikas sa Marawi City.
Ayon sa DSWD, bawat rehistradong pamilya ay makakatanggap ng isanlibong piso (P1,000.00).
Ipinabatid ng DSWD na may aasahan pang karagdagang apat na libo (P4,000.00) sa susunod na mga linggo ang mga bakwit ng Marawi.
Kasabay nito, inamin ng DSWD na noong Ramadan pa dapat naipamahagi ang unang isanlibong piso ngunit hindi lang anila nakahabol.
By Ralph Obina