Humihingi ng donasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A para sa mga nasalanta nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ng DSWD Region 4A na maaaring magdonate ng bottled water, face masks, hygiene kits, sleeping mats, canned goods, biscuits, noodles at iba pang ready-to-eat na pagkain.
Maaaring dalhin ang donasyon sa DSWD Field Office 4A sa Alabang-Zapote Road sa Muntinlupa, DSWD Field Office 4A warehouse sa GMA, Cavite at sa National Resource Operations Center sa Pasay City.
Nanawagan din ang DSWD ng mga nais maging volunteer para tumulong sa pagrepack ng relief items.
Uubra namang magtungo sa warehouse ng DSWD sa GMA, Cavite o sa National Resource Operations Center sa Pasay City para makatulong sa repacking.