Nangangailangan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga volunteers na tutulong sa Quick Response Team (QRT) sa pagre -repack ng relief goods na ipamamahagi sa mga pamilyang apektado sa Bagyong Paeng.
Sa ngayon, nasa halos isandaang volunteers ang nagrerepack sa main warehouse ng DSWD sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.
Binubuo ang mga ito ng mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Barangay Volunteers, Philippine Air Force, DSWD-QRT at maging mga pribadong indibidwal.
Ayon sa ahensiya, isasagawa araw-araw ang repacking operations hanggang sa November 11.
Para sa mga indibidwal o organisasyon na interesadong mag-volunteer, mangyari lamang na magpadala ng mensahe sa 0956-9226155 o 0915-2921875 o di kaya ay bisitahin ang dswd nroc sa chapel road, brgy. 195, pasay city.
Umaasa ang DSWD na mananaig muli ang pagbabayanihan ng mga Pilipino lalo na ngayong nakararanas tayo ng kalamidad.