Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na may appointment umano ang pagbisita ni dating Vice President at Angat Buhay Chairperson Leni Robredo sa kanilang ahensya kamakailan.
Ayon sa kalihim, kaniyang tinanggap ang naging appointment ni dating VP Leni bilang representative ng Angat Buhay.
Sinabi ni Tulfo na kanilang napag-usapan ang mga volunteers na tutulong sa DSWD para sa pag-aabot ng tulong sa mga malalayo at liblib na lugar.
Dagdag pa ng kalihim na pumayag sila na makausap ang dating bise presidente dahil ito naman daw ay boluntaryo at walang kolaborasyon na naganap sa pagitan ng DSWD at Angat Buhay.
Iginiit pa ni Tulfo na hindi sila nakikipag kolaborasyon sa mga foundation at wala ring ini-aalok ang angat buhay hinggil sa kumakalat na isyu sa social media kung saan, maari lamang silang tumanggap ng tulong kung ito ay boluntaryo at libre.