Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na hindi nagbibigay ang kanilang ahensya ng food packs sa Non-Governmental Organizations (NGOs).
Kasunod ito ng kumakalat na isyu hinggil sa larawan ng maraming kahon ng food packs mula sa DSWD na ipinamahagi umano ng Angat Buhay Foundation ni dating Vice President Leni Robredo para sa mga pamilyang naapektuhan ng flash floods at mudslides sa Banaue, Ifugao.
Ayon sa Kalihim, hindi sila namimigay ng anumang food packs o iba pang relief items sa mga NGO para ipamigay sa mga residente dahil ito ay labag sa batas.
Sinabi ni Tulfo na diretso nilang ipinamimigay ang mga relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng flash floods at mudslides sa tulong narin ng mga Local Government Units (LGUs).
Sa ngayon wala pang reaksiyon ang nasabing NGOs hinggil sa nasabing isyu.