Viral ngayon ang Facebook post ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Lorraine Marie Badoy hinggil sa payo niya sa European Union, kay Vice President Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes IV.
Sa kanyang FB post, inilitanya ni Badoy kung bakit mahihirapan ang kahit na sino na pabagsakin ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa sobrang popularidad nito.
Pinayuhan ni Badoy ang mga gustong magpabagsak sa Pangulo na mag-antay na lamang hanggang sa makagawa ng malaking pagkakamali ang Pangulo na puwede nilang gamiting dahilan para pabagsakin ito.
At habang nag-aantay aniya, dapat manood na lamang muna ng online child porn ang mga taga-European Union dahil doon sila magaling samantalang mag-aral na munang maggantsilyo at mag-bake ng red velvet cupcakes sina Robredo at Trillanes.
Ilan sa mga netizens ang pumuna na hindi dapat gawing biro ni Badoy ang isang seryosong problema tulad ng online child porn lalo pang miyembro siya ng DSWD.
By Len Aguirre
Photo: Screengrab from: Lorraine Marie T. Badoy / Facebook