Nagkakaisang idinepensa ng mga opisyal ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang kanilang kalihim na si Sec. Rolando Bautista.
Ito’y sa harap ng ginawang pambabastos gayundin ang pang-aalipusta sa kaniya ng mamamahayag na si Erwin Tulfo sa kaniyang programa sa Radyo Pilipinas.
Sunud-sunod ang post sa social media ng may 17 DSWD Regional Field Offices head sa buong bansa na naghahayag ng kanilang suporta sa kanilang kalihim.
May isa pang humamon kay Tulfo na patunayan ang kaniyang pagiging maka-mahirap umano at isauli ang mahigit 60 milyong pisong bayad sa kanila bilang ads ng Department of Tourism sa ilalim ng kanilang kapatid na si dating sec. Wanda Teo.
Naiyak pa ang hindi nagpakilalang opisyal dahil sa bukod sa nagtatrabaho ng tahimik, hindi rin aniya nakalilimutan ni Bautista ang mga nasa rank and file na kawani ng kagawaran na isinusulong niyang maging regular sa trabaho.