Titiyakin ni DSWD OIC Eduardo Punay na tuluy-tuloy ang mga programa ng ahensya.
Sinabi ni Punay na mahigpit na bilin sa kanya ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na siguruhin ang maayos na takbo ng mga programa ng DSWD lalo na’t nagkaruon ng matinding pagbaha sa Visayas at Mindanao.
Krusyal aniya ang papel ng DSWD sa disaster response partikular ang relief operations kung saan si Punay ay itinalaga matapos ma-by pass ng Commission on Appointments ng ilang beses si DSWD Secretary Erwin Tulfo dahil sa mga isyu ng US citizenship at mga nakalipas niyang libel convictions.