Nakipag-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Public Attorney’s Office (PAO) upang tulungan ang mga single mother na makakuha ng sustento para sa kanilang mga anak.
Ito ay sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement na nilagdaan ng dalawang ahensya matapos dumagsa ang mga reklamo ng mga magulang na kulang ang natatanggap nitong tulong-pinansyal mula sa kanilang mga dating asawa o kinakasama.
Paliwanag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, ang mga abogado ng PAO ang tutulong sa mga ina para makakuha ng sustento.
Kailangan lamang aniya na pumunta sa provincial o regional office ng DSWD para makahingi ng nasabing tulong.
Samantala, paalala ni Tulfo sa mga ama na maari silang kasuhan ng Violence Against Women and Children kung hindi ito magbibigay ng child support sa kanilang mga anak.