Inaalalayan na ng Department of Social Welfare and Development ang mga pamilyang naapektuhan ng military operations sa Butig, Lanao del Sur.
Kasunod ito ng paglikas ng mga residente sa lugar para makaiwas sa salpukan ng mga sundalo at mga rebelde.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manuel Quezon III na may mga tauhan na ang DSWD sa mga evacuation centers para tulungan ang mga residenteng nawalan ng pagkakitaan dahil sa bakbakan.
Tiwala ang palasyo na babalik din agad na normal ang sitwasyon sa bayan ng butig sa sandaling matapos ang operasyon ng mga sundalo .
By: Aileen Taliping (Patrol 23)