Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Abra.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na naipamahagi na nila ang unang round ng tulong at ikinakasa na ang ikalawang round nito para sa 27 munisipalidad ng Abra.
Tiniyak rin ng kalihim na mayroong nakalaang pondo para sa mga LGU na mangangailangan ng tulong.
“Nagre-ready na rin po kami, ah pipirmahan ko within the next few days yung quick reaction fund po namin sir. Para ibaba ulit para sa cash forward sir. Meron ho tayo, may pondo ho tayo Sir na ready ho diyan. Kung kailangan ng LGU nila ng tulong, e doon muna ho sila tutulong,” pahayag ni Tulfo sa panayam ng DWIZ.