Patuloy na tatanggap ng mga reklamo ang operations center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 7 tungkol sa Social Amelioration Program (SAP).
Ito’y ayon kay DSWD-7 regional director Rebecca Geamala, kahit nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ang buong rehiyon.
Sinabi ni Geamala na patuloy na tatanggap ng mga reklamo ang mga DSWD-7 staff members mula sa mga beneficiaries.
Matatandaang naglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) kung saan isinailalim nito sa GCQ ang buong Central Visayas, maliban sa lungsod ng Cebu na ilalagay naman sa ilalim ng modified ECQ mula Hunyo 1 hanggang 15.