Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga local government units (LGUs) na magsumite ng liquidation report para sa ipinamahagi nilang social amelioration fund.
Ayon kay DSWD Director Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, sa liquidation report nakasalalay ang pagpapalabas nila ng pondo para sa second tranche ng social amelioration program (SAP).
Ngayong araw na ito ang deadline na ibinigay sa mga local government units (LGUs) para maipamahagi ang unang tranche ng ayuda para sa mga beneficiaries ng SAP.
Ang SAP ay para po sa dalawang buwan at para sa 18-million na family. Kung magkakaroon ng karagdagang period para sa enforcement ng ECQ, sapat naman po ‘yung pondo dahil nailaan na poi to ng Kongreso para sa dalawang buwan,” ani Dumlao. —sa panayam ng Ratsada Balita