Pinag-aaralan ng Department Of Social Welfare And Development (DSWD) ang pamamaraan para maipamahagi ang cash aid sa mga estudyante na walang gadgets o access sa internet.
Ito’y dahil kinakailangan ng mga kwalipikadong recipients na magparehistro online bago makatanggap ng ayuda.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, inatasan na nila ang kanilang field offices mag-plano upang makarating sa mga kabataan lalo na sa mga naninirahan sa geographically disadvantaged areas ang cash aid.
Pinagbabawal na rin kasi ng departmento ang walk-ins sa payout sites matapos dagsain ng mga tao ang unang linggo ng cash aid distribution.
Sinabi naman ni Assistant Secretary Romel Lopez na kabilang sa posibleng estratehiya upang maging mas accessible ay maglagay ng offsite payout centers kung saan hindi na nire-require ang online registration.
Sa ngayon, 70 k na estudyante ang makikinabang mula sa programa na tatakbo hanggang Setyembre 24