Pinagpapaliwanag ng isang Senador ang D.S.W.D. o Department of Social Welfare and Development kung bakit tinapyasan ng halos Isang Bilyong Piso ang kanilang proposed 2018 budget para sa feeding program ng ahensya.
Sinasabing umabot sa 137.5 Billion Pesos ang panukalang badyet ng D.S.W.D para sa susunod na taon na mas mataas ng 9.5 Billion Pesos kumpara ngayong taon.
Gayunman, sinabi ni Sen. Ralph Recto na aabot na lamang sa 3.42 billion pesos ang isinusulong na “supplementary feeding program budget” ng ahensya na mas mababa sa 4.42 billion kumpara sa taong kasalukuyan.
Dahil dito, nais ni Recto na panghimasukan na ng Senado at executive branch ang feeding program ng D.S.W.D upang mas mapabuti pa ang implementasyon nito.
By: Gilbert Perdez
SMW: RPE