Planong taasan ng Department of Social Welfare and Development ang social pension ng mga indigent senior citizen sa susunod na taon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, pinagpaplanuhan na ng ahensya na itaas sa ₱1,000 mula sa ₱500 ang matatanggap na benepisyo ng mga senior citizen para sa kanilang monthly stipends.
Binigyang diin pa ni Asec. Lopez, na on time ang payout sa social pension ng mga senior citizen.
Sa ngayon, nasa 4.1 million na benepisyaryo ang tumatanggap ng ₱500 kada buwan. - sa panulat ni Raiza Dadia